Early Christmas Shopping Tips

February 27, 2020


Early Christmas Shopping Tips Min

Whenever you see girls and boys selling lanterns on the street, you remember na Christmas season na, ang paboritong okasyon ng mga Pilipino!


Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Magugulat ka na lang Pasko na pala in a few weeks! Kaya para sa Christmas shopping goals mo this year, narito ang ilang early shopping tips.

  1. Gumawa ng shopping list at budget plan
  2. Mag-prepare ng listahan ng mga tao na reregaluhan mo ngayong Pasko. Simulan mo sa mga pinaka-importante, tulad ng iyong mga magulang, kapatid at close friends. [1] Kung may gift ideas ka na, isulat mo lang ito sa tabi ng pangalan, kasama ang budget mo para sa kanila. Kasama rin dapat dito ang inyong Noche Buena grocery list. Basta make sure to STICK TO YOUR LIST AND BUDGET. Kaya nga nandiyan ‘yan para maiwasan ang impulse buying at overspending. Buy with cash


Malamang marami sa inyo ang hinihintay muna ang pagdating ng mahiwagang 13th month pay bago mamili ng pamasko. Pagkatanggap ng inyong 13th month pay, i-withdraw niyo lang kung magkano ang total na nakalagay sa inyong budget plan pati na ang pang emergency fund, then larga na sa paborito niyong malls o tiangge!


As much as possible, ‘wag niyo nang dalhin ang inyong credit card at ATM card para iwas-temptation. Spend within your means, gaya nga ng sabi nila. [3]

  1. Try mo minsan ang online shopping [2]


Digital na tayo ngayon, at totoo namang less hassle ang pagsha-shop online. Ilang clicks o taps lang, pwede nang ipadala ang inyong order sa bahay o office! Ang maganda pa rito, maraming websites at shops ang nagbibigay ng malalaking discounts kapag online ka bumili. Minsan free shipping na rin! Nice haul nga naman!


Pero ingat ka lang sa mga bogus. Basahing mabuti ang item description at customer reviews bago mag-add to cart. Para safe, ‘dun ka mag-check sa mga verified and trusted sellers ng website.


Magandang bilhin online ang mga laruan, jewelry, bags at makeup. Kapag ang product ay kailangan ng size measurement, mas advisable na dumayo na lang sa physical stores para mas accurate ang sizes.

  1. Trendy na ngayon ang DIY gifts


Dahil may time ka sa pag-plan ng Christmas shopping, isang magandang idea rin na ikaw mismo ang gumawa ng mga regalo. [2]  ‘Di ba sobrang nakaka-touch kapag nakatanggap ka ng personalized gift? Well, ano nga ba ang maganda at madaling DIY gifts na pwede mong i-regalo? Kapag expertise mo ang arts and crafts, pwede kang magbigay ng customized eco bags or coin purse. Kung magaling ka naman magluto o magbake, perfect na perfect ang iyong specialty recipe! Magandang opportunity rin ito para i-promote ang iyong online business, kung mayro’n!

  1. Choose your battles wisely


The key to surviving the Christmas season rush is to carefully plan kung kailan at anong oras kayo susugod sa mga tindahan at malls. Kung ayaw niyong makipagsiksikan sa gitna ng maraming shoppers, iwasan ninyo ang pagpunta ng malls tuwing Friday nights at weekends. Mas okay din na magshopping kayo sa simula ng linggo. Kung inyong mapapansin, mas chill pa sa mga tindahan tuwing Monday at Tuesday.[4] Work at school mode pa kasi ang iba kaya hindi pa naiisipan mag-shopping.


Pero in case sa weekends lang talaga ang kaya ng inyong schedule, make it a habit na pumunta sa mga tiangge at malls nang maaga para mas konti pa ang mga bumibili. Nakaka-drain nga naman talaga ng energy at pasensya ang pag-shopping tuwing Pasko. Ang laki ng mga pamilihan, ang daming iikutan para pagbilhan ng mga pamasko, halos makipag-tulakan ka na rin sa ibang namimili rin, at ang bigat pa ng inyong shopping o grocery bags! Malaki tuloy ang chance na mangalay at mapagod agad habang nag-iikot. Siyempre, hindi pwedeng mangyari ‘yan lalo na kung may hinahabol kayo’ng oras.


Ang pangangalay at pamamanhid ng ilang parte ng katawan ay maaaring dahil mayro’n kang vitamin B deficiency. At dahil nagiging busy ang maraming tao dala ng Christmas season rush, maraming tao rin ang nagiging at risk sa nerve damage.


Mabuti na lang at maiiwasan niyo ito kung magiging regular ang inyong supply ng vitamin B-complex sa katawan. Tumutulong ang vitamin B-complex supplements para panatilihing healthy ang inyong nerves at maiwasan ang nerve glitches na talaga namang malaking sagabal sa araw-araw nating mga gawain.


Kaya para hindi gaanong hassle ang inyong Christmas preparations, ugaliing mag-plano nang mabuti at mag-take ng vitamin B-complex supplement araw-araw!


References:

[1] Augusta Free Press. (2019). 5 Planning Tips: Starting your Christmas shopping early. Augusta Free Press. Retrieved from: https://augustafreepress.com/5-planning-tips-starting-your-christmas-shopping-early/

[2] ABS-CBN News. (2016). How to start Christmas shopping… for 2017. ABS-CBN News. Retrieved from: https://news.abs-cbn.com/business/12/19/16/how-to-start-christmas-shopping-for-2017

[3] Real Simple. One-Day Holiday and Christmas Shopping Plan. Real Simple. Retrieved from: https://www.realsimple.com/work-life/money/money-planning/christmas-shopping

[4] Cosentino, S. (2018). 5 Tips for Christmas shopping. Mother for Life. Retrieved from: https://www.motherforlife.com/shopping/buying-wisely/3780-5-tips-for-christmas-shopping.thtml