4 Ways para Maalagaan ang Nerves

Tulad sa puso, utak at iba pang parte ng katawan, mahalagang mapanatiling healthy ang nerves. Alamin kung bakit at  paano mapapangalagaan ang ating nerves.

 

Nerve Health at Ano Nga Ba ang Nerve Damage?

Ang nervous system ng katawan ay isang malawak at kumplikadong network ng nerves at cells. Ang main function nito ay ang maghatid ng signals mula sa utak papunta sa iba’t-ibang parte ng katawan, at pabalik. Tulad ng unang nabanggit, importante ang maalagaan ito. Dahil kung hindi, maaaring magkaroon ng mga problemang tulad ng nerve damage na magiging sagabal sa primary function ng nervous system. 

Sinu-sino nga ba ang mga at risk? Kahit sino ay maaaring magkaroon ng nerve damage, pero mas mataas ang chances mo kung meron o nabibilang ka sa mga sumusunod:

  • May diabetes 
  • Hirap sa pag-regulate ng blood sugar levels
  • Overweight 
  • Over 40 years old
  • May high blood pressure
  • May high cholesterol levels

 

Ang nerve damage ay may mga sintomas tulad ng manhid, tusok at ngalay na kadalasang nararamdaman sa mga kamay at paa. Nakakalimita ito ng kilos na siyang nakakaapekto naman sa daily routine ng isang tao. Maliban dito, kung hindi maagapan, maaari itong mag-develop sa mas seryosong conditions o mga karamdaman.

On the positive side, kapag healthy ang nerves, makakaasa ka sa maayos na performance ng mga ito at ng nervous system. At kakabit nito ay ang optimized na pag-function ng internal processes ng katawan tulad ng immunity, metabolism at iba pa.

 

Healthy Habits para sa Healthy Nerves

Prevention is better than cure. Huwag hintayin na tamaan ng nerve damage. Ang good news ay hindi kailangan ng malaking effort para masiguro ang nerve health ng katawan. Makakatulong ang simpleng lifestyle tweaks at healthy habits tulad ng mga sumusunod.

Huwag Kalimutan:

  1. Mag-exercise Kung hindi man araw-araw, magandang makapag-ehersisyo ng at least 3x kada linggo. Makakatulong ito sa pagbabawas ng timbang kung ikaw ay overweight, o sa pag-maintain ng healthy weight. Maliban sa physical, mahalaga ding makapag-exercise mentally. Subukan ang Sudoku, word puzzles at iba pang brain-teasing games.
  2. Iwasang Mag-puyat 
    Huwag maliitin ang gabi-gabing 7 - 8 hours ng tulog. Kailangan ito ng katawan para makapag-recharge at para makapaghanda para sa susunod na araw. Para naman sa nervous system, napapahinga din ang nerves at utak. 
    Sa kabilang banda, madaming sakit ang nakakabit sa sobrang pagpupuyat. Kasama na dito ang diabetes na maaari ding pagmulan sa nerve damage.
  3. Talikuran ang Masasamang Bisyo
    Walang magandang maidudulot ang masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo at ang sobra-sobrang pag-iinom. At tulad sa pagpupuyat, risk factor ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng diabetes at nerve damage.
  4. Eat Healthy
    Kumain ng tama at masustansya. Kasama dito ang pagbantay sa sugar intake at nutrisyon ng iyong daily diet. Para sa nerves, makakatulong ang mga pagkaing rich in vitamins B1, B6 at B12. 

 

Daily Support for Nerve Health

Kasabay ng tamang pagkain, exercise at iba pang healthy habits, makakatulong ang pag-inom ng supplements for nerve health. Ang Pharex Vitamin B1+B6+B12 ay may pinagsamang benefits ng tatlong B vitamins na tutulong sa pagsuporta ng nerve health kasama na ang prevention ng symptoms ng nerve damage na tusok, manhid at ngalay. Uminom lang ng one to two tablets daily, or as directed by your doctor.

 

If symptoms persist, consult your doctor.

Share this article