Vitamin E: Mabisang Panlaban sa Sakit!

Nais mo bang panatilihin ang sigla sa iyong mga pang-araw araw na gawain? Unang-una, kailangan ng katawan ng sapat na lakas at tibay ng kalusugan! Mas madali mong magagawa ang mga kailangang gawin nang hindi ka nakakaramdam ng numbness, muscle weakness at vision problems.
 

Hindi lang masustansyang pagkain at kumpletong tulog ang mahalaga sa pag-iwas sa sakit. Ang isa kasi sa nagiging problema at dahilan kung bakit hindi mo namamaximize ang iyong mga araw ay ang exposure sa mga contaminants sa iyong paligid. 
 

Nagtataka ka ba na kahit anong iwas mo sa sakit ay dinadapuan ka pa rin  ng karamdaman? May mga bagay kasi tulad ng weather, viruses at iba’t ibang free radicals (molecules galing sa pagkain, mga usok at radiation na pinapatanda ang mga healthy body cells) na wala sa iyong control.
 

Para hindi madaling kapitan ng sakit, dapat iwasan ang mga toxins! Importanteng may sapat na proteksyon ang katawan. Kaya kailangan mo ng tulong mula sa Vitamin E. 

 

Paano ba nakakatulong ang Vitamin E sa katawan? Alamin dito ang iba’t ibang mga benepisyong makukuha mula sa Vitamin E:

  • Proteksyon sa Stroke
    Hindi lang init ng panahon ang dapat bantayan para makaiwas sa stroke. Ang size ng blood vessels ay importante rin. Nakakatulong ang Vitamin E na mapanatiling tama lang ang size ng mga blood vessels. Dahil dito, mas maiiwasan ang blood clot.                                                        
    Kapag kasi nagkaroon ng blood clot sa blood vessels ang isang tao, mas malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng aneurysm(pagputok ng ugat)  arrhythmia (pagkawala ng tibok ng puso), atake sa puso at stroke (kulang na supply ng oxygen sa utak).
     
  • Pagpigil sa Onset ng Dementia:
    Habang tayo'y tumatanda, mas tumataas ang posibilidad para magkaroon ng dementia. Pero di kailangang mag-alala. Kapag may tamang supplements ang katawan, ito ay maaaring maiwasan. Malaking  tulong ang vitamin e para sa brain health ng isang tao. Ito ay dahil sa taglay nitong plasma na kinakailangan para sa cognitive  development ng utak.
    ¹ Esensyal din ang vitamin e para mapa-bagal ang pag-lala ng sakit na dementia (progressive memory loss).  Malaking bagay ito para mabawasan ang oxidative stress level (imbalance sa pagitan ng free radicals at antioxidant ) sa loob ng katawan ng isang tao. (Legg & Hersh, n.d.)
     
  • Pag-iwas sa cancer 
    Ang Vitamin E ayon sa ibang pag-aaral ay makakatulong upang makaiwas sa iba’t-ibang klase ng cancer tulad ng colon cancer, rectal cancer, lung cancer at liver cancer. 
    ² Ito ay may Tocopherol na pumipigil sa paglaki ng mga cancer cells. Tinatanggal nito ang mga free radicals sa katawan na siyang nagiging dahilan ng pag-mutate ng mga cells. Sa madaling salita, pinipigilan ng vitamin e maging cancerous ang mga body cells sa iyong katawan. (Cancer-Preventive Activities of Tocopherols and Tocotrienols, n.d.)
     
  • Pag-Iwas sa Nerve-Pain o Neuropathy
    Kapag kulang ka sa vitamin e, mas madalas sumakit ang iyong mga nerves. Mahirapan ka sa mga bagay na kailangan mong gawin tulad ng pagmamaneho at iba pang gawaing bahay dahil sa pamamanhid ng iyong mga daliri sa kamay at sa paa.
    Kung ikaw ay nakakaranas ng problema sa iyong mga nerves, maaaring makatulong ang Vitamin E sa iyo. ³ Dahil sa Vitamin E, natutulungang maging mas ayos ang sirkulasyon ng dugo sa iyong mga ugat. Malaki ang kontribusyon ng vitamin e para sa maayos na kalusugan ng mga ugat sa katawan (simula sa pinakamaliit na ugat hanggang sa iyong major arteries). (The Best Vitamins for Good Circulation, n.d.)
     
  • Proteksyon sa Macular Degeneration
    Ang mga mata ay kasama sa halos lahat ng bagay na iyong ginagawa. Nakakalungkot isipin na habang tumatanda ang isang tao, mas magiging prone ito sa macular degeneration (paglabo ng mata). 
    Ang Vitamin E ay isa sa mga bitaminang makakatulong sa pagpigil ng panlalabo ng mata. 4Bukod doon, may pag-aaral din na nagsasabing ang alpha-tocopherol form ng Vitamin E ay makakatulong para maiwasan ang risk ng pagkakaroon katarata. (Free Radical and Biology Medicine, n.d.)
     

Good Source ng Vitamin E

Kahit na maaring makuha sa mga pagkain tulad ng almond, spinach, olive oil at kalabasa ang Vitamin E, hindi pa rin sapat ito para makuha ang tamang amount ng bitamina na kailangan ng katawan. Para matugunan ng tama, mas maiging kumunsulta sa mga doctor. 

Isa sa maaaring i-prescribe ng doctor ay Vitamin E. Kung ang hanap mo ay mabisang antioxidant para ma-detox ang iyong katawan at malabanan ang mga negatibong epekto ng toxins, piliin ang dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex E bilang kasangga at proteksyon sa araw-araw. Magandang tulong ito panlaban sa sakit!

Ito ay may 400 IU ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate as Vitamin E na lumalaban sa vitamin e deficiency at nagproprotekta ng katawan laban sa mga sickness-causing elements. Bukod dito, napapanatili rin nitong malusog at makinis ang balat.

Php 9.50 lang kada tableta ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex E  kaya hindi kailangang gumastos ng malaki para sa pang-araw araw na proteksyon. 

Take one (1) capsule daily kasabay ng proper diet at regular exercise. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proper dosage at intake ng supplement na ito, maaaring kumonsulta sa inyong doctor. Huwag ring kalimutan to check out the latest updates to flush out toxins here!                                                                                                                                             

If symptoms persist consult a doctor.

¹Legg, T. J., & Hersh, E. (n.d.). Memory Loss: Causes, Management & Tests. Healthline. Retrieved September 29, 2022, from https://www.healthline.com/health/memory-loss#Causes-of-Memory-Loss
²Cancer-preventive activities of tocopherols and tocotrienols. (n.d.). NCBI. Retrieved September 29, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2860705/
³The best vitamins for good circulation. (n.d.). A.Vogel. Retrieved September 29, 2022, from https://www.avogel.co.uk/health/circulation/the-best-vitamins-for-good-circulation/
4Free Radical and Biology Medicine
. (n.d.). Retrieved 2021, from https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0891584921007772

Share this article