Stressed Ka Ba? Kayang-Kaya Mo 'Yan With Pharex E!

Mahirap at masakit aminin, pero ang stress ay normal na parte na ng ating buhay. Bata man o matanda, mararanasan mo ang stress na dulot ng sari-saring dahilan at hindi ito madaling maiwasan. Minsan, mahahalata pa nga ito sa katawan dahil nagdudulot ito ng maraming sintomas.

 

Ang mga taong stressed ay kadalasang nawawalan ng sigla o energy para sa kanilang mga gawain. Nagkakaroon rin sila ng mga problema sa balat tulad ng eye bags, wrinkles, pimples, rashes, o hair loss. Pwede rin nilang maranasan ang sakit ng ulo o dibdib, pagkahilo, pagod, hirap sa pagtulog, mataas na blood pressure, problema sa tiyan, at marami pang iba.

 

Kapag masyado kang stressed, posible itong magdulot ng mas malalang epekto sa katawan. Ayon sa mga eksperto, kapag hindi naagapan ang stress, pwede itong maging sanhi ng mas malaking problema tulad ng sakit sa puso, gastrointestinal issues, obesity, anxiety, depression, at iba pa. 

 

Bago pa man maapektuhan ng husto ang iyong katawan at pang-araw araw na gawain, labanan agad ang stress. Maraming paraan para maagapan ito, at isa sa mga pinakamabisa ay ang vitamin E na pwedeng makuha mula sa mga pagkain at sa supplement tulad ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E. Alamin ang halaga nito para sa iyong kalusugan.

 

Ano ang Nangyayari sa Katawan Kapag Stressed Ka?

Kapag nakakaranas ka ng stress, ang katawan ay nagrerelease ng maraming hormones. Isa na dito ang cortisol galing sa adrenal glands ng iyong katawan na kung tawagin ay “stress hormone.” 
 

Normal naman na magrelease ng cortisol ang iyong katawan kung ikaw ay stressed. Minsan, nakakatulong nga ang unti-unting pagpapakawala ng cortisol. Pinapataas nito ang mga energy levels at ang resistensya sa maikling panahon. 
 

Pero kung palagi ka namang stressed, dumadami rin ng husto ang cortisol na nilalabas sa katawan. Hindi ito maganda dahil posible itong magdulot ng inflammation, pagbaba ng resistensya, at mas malaking posibilidad para sa ibang mga sakit.
 

Isang epekto ng pagdami ng cortisol sa katawan ay ang pagbuo at pagpapakawala ng free radicals tulad ng reactive oxygen species (ROS). Ito’y nabubuo dahil sa exposure sa stress, usok mula sa sigarilyo, polusyon, sinag ng araw, at iba pang mga harmful lifestyle habits. 
 

Ang mga free radicals at ROS ay nagdudulot ng oxidative stress na posibleng makapinsala sa mga cells, DNA, at proteins sa katawan. Ang oxidative stress ay isang imbalance sa pagitan ng mga nakakapinsalang elemento sa katawan, at mga antioxidants na lumalaban rito.
 

Ang oxidative stress ay pwede rin maging sanhi ng skin aging, at ng mga sakit tulad ng cancer, diabetes, Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, at problema sa mata tulad ng cataracts. 

 

Ang Halaga ng Vitamin E Kontra Free Radicals, ROS

Dito pwedeng pumasok ang vitamin E, isang antioxidant na matagal nang inirerekomenda bilang panlaban sa stress at mga free radicals.Pinipigilan ng vitamin E ang pagbuo at pag-atake ng mga reactive oxygen species (ROS) at iba pang mga free radicals sa katawan.Nababawasan ang dami ng nakakapinsalang ROS sa katawan.3
 

Bukod dito, pinipigilan ng vitamin E ang pag-atake ng mga nakakapinsalang free radicals sa cell membranes.4 Dahil dito, posibleng tumibay ang resistensya ng katawan laban sa sakit at mapabuti ang cell immune response nito.5
 

Madaming pananaliksik na ang isinagawa para makita ang potensyal ng vitamin E laban sa sakit. Ayon sa isang pag-aaral, may posibilidad na ang vitamin E ay makakatulong sa pagpapababa ng risk ng isang tao para sa mga sakit tulad ng pneumonia, flu, at asthma.6
 

Labanan ang Stress With Pharex® E 

Ngayong alam mo na ang mga benepisyo ng vitamin E, pwede mo itong simulan sa pamamagitan ng iyong diet. Ang almonds, spinach, asparagus, red bell pepper, avocado, at kalabasa ay mga halimbawa ng mga pagkain na may mataas na vitamin E content. 
 

Pwede mo ring panatilihin ang lakas ng katawan at makinis na kutis sa tulong ng isang supplement in dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E - isang magandang tulong laban sa sakit. 
 

Kasabay ng proper diet at frequent exercise, makakatulong ang dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E sa paglaban sa pinsalang dulot ng stress, lifestyle habits, at environmental damage na posibleng maging sanhi ng ibat-ibang sakit at komplikasyon. 

 

Ang supplement na ito ay mayroong 400 IU ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate as vitamin E. Dahil dito, malaki ang naitutulong ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E sa pamamagitan ng:

  • Pagbawas sa pinsalang dulot ng mga free radicals
  • Pagprotekta sa mga cells ng katawan laban sa mga free radicals
  • Pagpapatibay ng resistensya laban sa sakit
  • Paglaban sa aging, inflammation, at sun damage na nakakaapekto sa balat
  • Pangangalaga sa kalusugan ng utak at pagpapabuti ng mental performance 

 

Uminom ng isang (1) capsule of dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E isang beses kada araw, or as prescribed by your doctor.
 

Ang dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E) Pharex® E ay mabibili sa mga branches ng Mercury Drug, SouthStar Drug, Watson’s, at iba pang botika. Pwede mo rin itong mabili  sa Lazada at Shopee.

 

If symptoms persist, consult your doctor.

 

1Antioxidants 2021, 10(9), 1439
2Sultan Qaboos Univ Med J. 2014 May;14(2):e157-65. Epub 2014 Apr 7
3Antioxidants 2021, 10(9), 1439
4Antioxidants 2021, 10(9), 1439
5Harvard T.H. Chan School of Public Health, “Vitamin E”
6Lewis ED, Meydani SN, Wu D. Regulatory role of vitamin E in the immune system and inflammation. IUBMB Life. 2019 Apr;71(4):487-494

Share this article