Ergonomics sa Opisina: Ang Positibong Epekto Nito sa Nerves

Matagal o baguhan ka man sa trabaho, tiyak na may sarili kang mga paraan o technique para masiguradong produktibo ang araw mo. May mga ibang nakikinig ng kanta o podcast, gumagamit ng productivity app, o naghahanap ng tahimik na lugar kung saan sila uupo o tatayo buong hapon.

Bagamat wala namang tama o maling paraan pagdating sa pagiging produktibo, maaaring maka-apekto sa kalusugan ang matinding pagtutok sa trabaho.

Nagbabala na ang ilang mga health experts: Ang sedentary lifestyle kung saan hindi nag-eehersisyo o gumagalaw ang tao ay pwedeng magdulot ng problema sa mga nerves, tulad ng ngalay, tusok-tusok, o manhid.1,2

 

Ano ang Mangyayari Kapag Maghapon Kang ‘Di Gumagalaw sa Trabaho?

Sa kasamaang-palad, hindi lang ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan ang health issue na konektado sa matagal na pag-upo (at pati na rin pagtayo) sa trabaho.

Maaari ding tumaas ang panganib para sa mga musculoskeletal disorders (MSD). Ang MSDs ay mga health issue na nagdudulot ng sakit sa mga bahagi ng locomotor system ng katawan, tulad ng:3

  • Kasu-kasuan o joints: Osteoarthritis, rheumatoid arthritis, psoriatic arthritis, gout, at spondyloarthritis
  • Buto o bones: Osteoporosis, osteopenia, associated fragility fractures, at traumatic fractures
  • Muscles: Sarcopenia

May pagkakataon din na ang MSD ay makaka-apekto sa dalawa o higit pang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ang regional MSD tulad ng sakit sa likod at leeg o widespread MSD sa katawan tulad ng fibromyalgia.3

Base sa ulat mula International Labour Organization (ILO), tumataas ang mga kaso ng MSD sa buong mundo dahil sa mga factors tulad ng:4,5

  • Sedentary lifestyle at kakulangan sa physical activity
  • Paulit-ulit o repetitive na paggalaw habang nagtatrabaho (repetitive motion)
  • Matagal na pag-upo o pagtayo habang nagtatrabaho (static posture)
  • Pag-upo o pagtayo sa isang awkward na posisyon
  • Paggamit ng mga computer at automated system sa trabaho
  • Malubhang ergonomics sa mga workstation ng tao
  • Pagpwersa sa pagbuhat ng mabibigat na bagay6

Kapag hindi naagapan kaagad, pwedeng makaapekto ang MSD sa abilidad ng isang taong magtrabaho nang mabuti.3 Maari rin itong magdulot ng mga kaso ng work-related musculosketal disorders (WMSDs.7

 

Paano Naapektuhan ang Mga Manggagawang Pilipino?

Malungkot isipin pero may mga Pilipinong nakakaranas na ng senyales ng mga MSD. Ayon sa datos mula sa 2021/2022 Integrated Survey on Labor and Employment ng Philippine Statistics Authority (PSA), 19.2% ng mga manggagawa ay nakakaramdam ng sakit sa likod at 5.2% naman ang nakakaramdam ng kirot sa leeg at balikat (na maaaring umabot sa kanilang mga pulso (wrist) at kamay (hands).8 Mas malaking porsyento ito kumpara sa 15.3% ng injuries sa mababang bahagi ng katawan (lower extremities) at 11.9% ng injuries sa ulo.8

Noong 2019 at 2020, isinagawa rin ng PSA ang nabanggit na survey, at nadiskubre na ang sakit sa likod o back pain ay ang pinakakaraniwang sakit na naranasan ng mga manggagawa. Responsable ang isyu na ito sa 39% ng mga karaniwang sakit na iniindang ng mga nagtatrabaho sa opisina. Bukod dito, 12.1% ng kaso ng sakit ng mga manggagawa ay konektado sa sakit sa leeg at balikat (neck and shoulder).

Hangga’t maaga, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagpapatupad ng mga patakaran sa opisina na tutulong sa:7

  • Pagpapaigting ng kaligtasan sa loob ng opisina o lugar na pinagtatrabahuhan
  • Pagbawas ng mga risk factors na maaaring magdulot ng injury sa tao
  • Pagbaba ng panganib at kaso ng mga MSDs na konektado sa trabaho

 

Bakit Mahalaga ang Ergonomics sa Trabaho?

Ang ergonomics ay ang pagdidisenyo ng mga lugar at gawain sa trabaho ayon sa abilidad at kasanayan (skills) ng mga manggawa. Nilalayon nito na:7

  • Isulong ang kaligtasan sa lugar ng trabaho o opisina
  • Bawasan ang panganib o risk ng mga injuries, aksidente, fatigue o labis na pagkapagod, at mga kaso ng MSD o WMSD
  • Pagbutihin ang efficiency, kalidad (quality), at bilang ng trabaho9

Mahalaga ito dahil ang poor ergonomics ay isa diumanong risk factor para sa mga kaso ng MSD, WMSD, at mga aksidente sa trabaho.10

Para pairalin ang ergonomics sa workplace, kailangang siyasatin nang mabuti ng mga kinauukulan ang layout at lokasyon ng opisina. Dapat ring pakinggan ang mga reklamo at hinaing ng mga empleyado, lalo na kung may problema nang nakita.9 Importante ito lalo na sa mga negosyong may iba’t ibang mga departmento at gawain.

Kapag naisakatuparan ang mga ergonomic designs sa opisina, posibleng tumaas ang kasiyahan o work satisfaction ng empleyado at maging mas madali ang pagbalik nila sa trabaho mula sa bakasyon. Halimbawa ng mga ergonomic measures na pwedeng imungkahi sa opisina ay ang mga sumusunod:9,11,12

  • Pagpili ng mga ergonomic furniture, tulad upuan at lamesa na makakasuporta sa katawan, lalo na sa braso, kamay, likod, paa, at spine
  • Paglagay ng mga bagay tulad ng keyboard, mouse, at monitor sa nararapat na distansya para komportable itong magamit at hindi sumakit ang mata at kamay ng manggagawa
  • Paghikayat ng pag-eehersisyo para mabawasan ang tensyon sa katawan at ma-stretch ang muscles sa katawan
  • Pagpapairal ng scheduled breaktimes o paghikayat sa mga empleyado na gamitin ang mga ito para makapagpahinga ang kanilang mga katawan sa trabaho

Mahalagang malaman na hindi lang limitado sa mga hakbang nabanggit ang mga ergonomic measures na pwedeng ipatupad sa isang opisina. Tandaan: Dapat kilatisin at siguraduhing akma ang mga ergonomic measures para sa mga manggagawa sa lugar ng trabaho o opisina.

 

Huwag Kalimutan ang Pang-Araw-Araw na Vitamin B Complex

Kung time out o day off mo naman, maaari mo pa ring palakasin ang kalusugan ng iyong nerves at katawan para mapabuti ang trabaho at maiwasan ang sakit at injuries na makakaapekto sa mga ito.

Magtanong sa iyong doktor tungkol sa Vitamin B complex supplement tulad ng Pharex® B-Complex, kasabay ng proper diet at lifestyle! Naglalaman ito ng Vitamin B1 (as Thiamine Mononitrate, 100 mg), Vitamin B6 (as Pyridoxine HCl 5mg), at Vitamin B12 (as Cyanocobalamin, 50 mcg) na makakatulong sa:13

  • Pagtaguyod ng normal nerve function
  • Pag-agap sa neuromuscular pain
  • Pagpapababa ng risk para sa mga deficiency ng vitamin B1, B6, at B12

Mabibili ang Pharex® B-Complex sa mga leading drugstores nationwide at online sa Lazada at Shopee sa suggested retail price (SRP) na Php5.45 kada tableta.

Note: Vitamin B supplements are generally safe when taken within recommended dosages. It is important to be mindful of potential interactions, individual tolerance, and the need for personalized guidance based on specific health conditions.

Always consult your doctor before taking any medicines or supplements.

If symptoms persist, consult your doctor.

Reference
Share

Let your circle know about this article

Couple Image
Better health is on the way.

In 1987, Pharex then shifted to marketing and distributing generic products, while appointing Metro Drug as its exclusive brand distributor. This move proved to be timely because of the passing of the Generics Act of 1988. Many successful years followed, and in 2016, Pharex was acquired by RiteMED Inc. Even after more than 35 years in the industry, Pharex remains committed to empowering Filipino families by providing them with top-notch healthcare solutions.

More on Pharex here arrow right icon
CONNECT WITH US
PHAREX Health Corporation
Home Icon

27th Floor Greenfield Tower, Mayflower St. Corner Williams St., Highway Hills, Mandaluyong City

Home Icon

For other questions, please contact us at (02) 7971-3333 or at productsafetyph@pharexhealth.com