Tips Para sa Healthy Nerves at Healthy New Year

Madaling maisantabi ang kalusugan dahil sa sa pang-araw-araw na trabaho, gawain at mga bayarin. Ngunit kung mayroon man tayong natutunan sa dalawang nakaraang taon ng pandemya, iyon ay ang halaga ng pagiging protektado laban sa sakit. Sa papasok ng bagong taon, siguruhing bigyan ng dagdag prioridad ang  iyong kalusugan. Simulan mo ito sa iyong nerve health.

Bakit nga ba mahalaga ang nerve health? Mula sa iyong pagtibok ng puso, paglalakad, pagsasalita hanggang sa iyong paghinga –- lahat ng iyan ay nakadepende sa iyong nerve health. Tandaan din na ang isang nerve malfunction ay delikado sa kalusugan kaya mahalaga na mapanatiling malusog ang iyong mga ugat para protektahan ang sarili laban sa mga sakit tulad ng multiple sclerosis, pinsala sa spinal cord, at stroke.1 

Narito ang mga simple at epektibong tips para mapangalagaan ang iyong nerve health! 

Regular na Exercise

Mas masaya kung makakatakbo, makakatalon at makakasayaw ngayong bagong taon ng walang sakit na nararamdaman. Huwag magpa-pigil sa tusok-tusok, pamamanhid, pangangalay at pananakit ng ugat. Sabayan mo ng exercise ang holiday preparations. Mahalaga ang exercise dahil inaayos nito ang sirkulasyon ng dugo at pinapabilis ang pagproduce ng dopamine sa katawan. 

Meditation at Brain Exercises 

Hindi lang mga nerves sa katawan ang kailangang alagaan. Kakabit ng saya na dala ng bagong taon ay ang paninibago,lungkot at anxiety kaya kailangang bigyan ng tamang atensyon at bigyan ng oras magrecover ang nerves sa utak. Gawin mo ito sa pamamagitan ng meditation.  Ayon sa pag-aaral, kapag nag-memeditate  ka, na-aactivate ang parasympathetic nerves ng iyong katawan.2 

Importante na magkaroon ng balanse ang parasympathetic nervous system ng katawan. Nakakatulong ito para bumagal ang tibok ng puso, maging normal ang paghinga, bumaba ang presyon ng dugo at gumana ang panunaw ng tiyan.

Bago pa simulan ang party, subukang mag-meditate sa pamamagitan ng mga sumusunod na steps:3 

  1. Humanap ng kumportableng lugar kung saan pwedeng umupo nang maayos.
  2. Huminga ng malalim ng ilang beses.
  3. Kapag handa na, magsimulang dahan-dahang tumingin sa paligid ng silid at hayaang mapunta ang iyong tingin sa iba't ibang bagay.
  4. Subukang pangalanan ang bagay nang malakas.
  5. Ulitin hanggang sa marelax ang iyong nerves.

Maligamgam na Paligo para sa Nerve Inflammation

Para sa mas matibay na nerve health ngayong bagong taon, maganda kung sisimulan mo ito sa iyong sarili. Simple, pero malaking bagay na ang warm bath na tulong pampa-relax ng katawan. Ang mainit na paligo ay nakakatulong para maiwasan ang pamamanhid at pagkabalisa. Malaking tulong din ito sa pagtaas ng level ng oxytocin sa katawan at pinipigilan naman ang pagtaas ng cortisol levels. 

Kapag ang oxytocin ay ni-release ng katawan, dumidiretso ito sa nervous system (kabilang ang utak at spinal cord).4 Hinaharangan ng oxytocin ang signals na nagdudulot ng physical pain bago pa ito maramdaman ng tao. Sa kabilang banda, kapag mababa ang cortisol level bumababa rin ang risk ng inflammation o pamamaga ng mga muscles at nerves. 

Pag-iwas sa Pag-inom ng Alak

Karaniwan na sa bawat okasyon tulad ng bagong taon ang pag-inom ng alak. Normal na ito sa mga kasiyahan at pagtitipon-tipon. Subalit tandaan: ang alcohol ay isang depressant kaya ito ay nakakapag-pabagal sa utak sa pagproseso ng impormasyon at nakaka-apekto sa memorya at  kakayanang mag-isip nang malinaw. 

Gawing mas safe ang New Year’s Celebration sa pag-inom in moderation. Kapag nasobrahan ang alak sa katawan, maaring magkaroon ng  alcoholic neuropathy.5 Ito ay pinsalang maaaring makaapekto sa mga autonomic nerves (kumokontrol sa mga involuntary processes tulad ng paghinga, panunaw ng pagkain, at sexual arousal) at iba pang mga nerves na kumokontrol sa paggalaw at sense of touch. Ito ang dahilan kung bakit madalas matumba ang tao kapag nalalasing.

Kasangga sa Pagkakaroon ng Magandang Nerve Health!

Magpapalit na ng taon pero luma pa rin ang pakiramdam dahil sa ngalay, tusok-tusok, pamamanhid at nerve pain? Irecharge ang nerve health with B Vitamins.

Bagong taon kaya dapat, bagong energy. Piliin ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex para sa iyong pang-araw-araw na dosis ng Vitamin B. Ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex ay isang suplemento na naglalaman ng tamang  dami ng quality B-Vitamins upang suportahan ang utak at katawan. Ito ay naglalaman ng  B-Vitamins (B1, B6 at B12) na siyang tumitiyak na ang kinakain ay nako-convert into energy para mas mapangalagaan ang nerves.

Gawing Pharexcited ang katawan at isip! Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyong nakukuha sa regular na pag-inom ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex:

Extra sigla - Tinutulungan ng Vitamin B1 na panatilihing mas mataas ang iyong enerhiya habang nilalabanan nito ang fatigue. Dagdag na lakas rin ito para sa anumang gagawin.

Protektadong Nerves- Pinoprotektahan ng B12 ang myelin sheath ng nerves. Mahalaga ang myelin sheath para makalakbay ng mabilis ang mga electrical impulses sa pagitan ng mga nerve cells. Ang Vitamin B6 naman na isa pang sangkap nito ay tumutulong para maiwasan ang neuropathy o nerve damage.

Iwas Mental Fatigue at Mahinang Immune System - Nagbibigay proteksyon ang Vitamin B6 laban sa kawalan ng focus at mental distraction. Bukod dito maganda rin ang Vitamin B6 para sa ating immune system. Tumutulong ito labanan ang impeksyon at inflammation o pamamaga. 

Kumunsulta sa iyong doktor para sa propesyonal na payo tungkol sa paggamit ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex. Upang makuha ang dosis na inirerekomenda ng doktor, tiyaking isabay ang iyong healthy diet at active lifestyle sa supplements.

References:

  • 1Overview of Nervous System Disorders. (n.d.). Johns Hopkins Medicine. Retrieved December 7, 2022, from https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/overview-of-nervous-system-disorders
  • 2Calming your nerves and your heart through meditation. (2009, December 15). Science in the News. Retrieved December 7, 2022, from https://sitn.hms.harvard.edu/flash/2009/issue61/
  • 3Legg, T. J., & Gepp, K. (2021, February 9). 6 Ways to Give Your Nervous System a Break. Healthline. Retrieved December 7, 2022, from https://www.healthline.com/health/mind-body/give-your-nervous-system-a-break#tracking-exercise
  • 4Self-soothing behaviors with particular reference to oxytocin release induced by non-noxious sensory stimulation. (n.d.). NCBI. Retrieved December 7, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4290532/
  • 5Walker, T. (2018, September 17). Alcoholic Neuropathy: Causes, Symptoms and Diagnosis. Healthline. Retrieved December 7, 2022, from https://www.healthline.com/health/alcoholism/alcoholic-neuropathy

Share this article