5 Common Causes of Tusok, Manhid, at Ngalay

Whether nagtatrabaho ka o gumagawa ng ibang importanteng tasks, mahalaga na ikaw ay laging handa physically at mentally. This way, maibibigay mo ang iyong 100% sa mga kailangan mong asikasuhin. 

Pero, walang pinipiling oras at lugar ang tusok, manhid, o ngalay, at pwede itong magdulot ng sakit at discomfort na maaaring magbago ng takbo ng iyong araw.

Pwede mong maramdaman ang tusok, manhid, o ngalay sa mga parte ng iyong katawan tulad ng balikat, braso, kamay, binti, at paa. Suriing mabuti ang mga posibleng sanhi nito, kasama ang mga paraan kung paano ito maaagapan kaagad.

 

Bakit Mo Nararamdaman ang Tusok, Manhid, o Ngalay? 

Ang deficiency o kakulangan sa mga vitamins at nutrients ay maaaring maging sanhi ng tusok, manhid, o ngalay. In particular, B vitamin (vitamin B1, B6, at B12) deficiency ay pwedeng magdulot ng mga sintomas na nabanggit, pati na rin ng pagkapagod o tiredness, mababang energy levels, at loss of appetite.

Kadalasan, ang mga older adults, buntis, at may mga sakit tulad ng Crohn’s disease, Celiac disease, at HIV ay mas mataas na risk para sa vitamin B deficiency at mga sintomas nito. 

Para maiwasan ang deficiency sa mga nutrient na ito, siguraduhin na ang diet ay mayroong sapat na pagkain containing vitamins B1, B6, at B12.  Pwede mo rin tanungin sa doktor kung pwedeng uminom ng mga supplements na may mga vitamins at nutrients na ito.

 

Bukod sa mga kakulangan at deficiency sa mga vitamins at nutrients, pwede mo rin maramdaman ang tusok, manhid, o ngalay dahil sa:

  1. Pananatili sa isang posisyon nang matagal: Ang mga taong nakaupo, nakatayo, o nanatili sa isang posisyon nang matagal ay maaaring makaranas ng tusok, manhid, o ngalay. Kadalasang nawawala ang mga sintomas na ito kapag ginalaw mo na ang apektadong bahagi ng katawan.

  2. Mga gamot: Ang tusok, manhid, o ngalay ay maaaring side effect ng mga gamot na iniinom para sa puso at blood pressure (amiodarone, hydrolazine, at statins), cancer (chemotherapy drugs tulad ng Thalidomide, Bortezomib, Epothilones, at Arsenic Trioxide), at infection (metronidazole at dapsone), to name a few. Kausapin agad ang doktor kapag nakaramdam ng mga side effect na ito para maagapan agad.

  3. Injury o pinsala sa katawan: Maaring senyales ng isang injury sa leeg, likod, o spine ang tusok, manhid, o ngalay. Magpatingin kaagad sa doktor kung sa tingin mo ay mayroon kang injury.

  4. Sintomas ng infections o mga sakit: Ang tusok, manhid, at ngalay ay maaaring sintomas ng mga sakit tulad ng shingles, herpes zoster infection, diabetes, multiple sclerosis, stroke, seizure, paninigas ng arteries, o hypothyroidism. Kapag hindi agad nawawala ang tusok, manhid, o ngalay at sa tingin mo ay sintomas ang mga ito ng anumang sakit, kumunsulta agad sa doktor. 

 

Kapag Nakaramdam ng Tusok, Manhid, o Ngalay, Agapan Ito Kaagad

Ask your doctor about Pharex B1+B6+B12 na hindi lang makakatulong sa paglaban sa vitamin B deficiency, kundi makakatulong rin sa pagpapalakas at pagpapatibay ng iyong mga nerves. With proper diet and exercise. Ito ay may tatlong B vitamins na may importanteng benefits:

  • Vitamin B1: Tumutulong ito sa production at release ng isang neurotransmitter called acetylcholine na kailangan para makapagbigay ng mga signal ang nerve cells

  • Vitamin B6: Kailangan ito sa paggawa ng iba’t ibang neurotransmitters na sisiguraduhin ang maayos na nerve system function.

  • Vitamin B12: Importante ito para sa synthesis ng myelin na pumapaligid sa mga nerve fibers ng katawan.

 

Uminom ng one to two tablets of Pharex Vitamin B1+B6+B12 kada araw or as directed by a doctor, alongside proper diet and exercise. In no time, mas magiging Pharexcited ka and ready to take on whatever life has for you!

Head over to the Pharex Health website para sa iba pang impormasyon tungkol sa tusok, manhid, at ngalay. If symptoms persist, consult your doctor. 

 

 

ASC REFERENCE NO. P171N062422PS

If symptoms persist, consult your doctor.

Share this article