4 Ways Para Maiwasan ang Tusok, Manhid, at Ngalay ng Katawan
|
Anu-ano ang mga paraan na makakatulong para maiwasan ang ngalay, manhid, at tusok-tusok? Makakatulong ang mga estratehiya tulad ng pag-eehersisyo,3,4 pagpapahinga,5,6 pag-iwas sa alak at alcoholic drinks,7,8,9 at pagkain ng masustansyang pagkain.11,12 Magtanong sa doktor tungkol sa pagdagdag ng supplement tulad ng Vitamin B1 + B6 + B12 (Pharex® B-Complex) sa iyong daily routine.13 |
Marami-rami ka bang responsibilidad bilang adult pero kailangan pa ring magpursige para sa pangarap at pamilya? Kung oo, kailangan mong maglaan ng oras para sa pahinga at pag-aalaga sa sarili.
Ang hindi kasi alam ng ibang adults, nandiyan pa rin ang banta ng ngalay, manhid, at tusok-tusok na pwedeng makaapekto sa iyong routine.
Ang ngalay, manhid, at tusok-tusok ay maaaring mga senyales ng nerve problems tulad ng neuropathy1 na maaaring maramdaman sa iyong likod, braso, daliri, at binti.2 Bukod sa discomfort, maaaring magdulot din ito ng dagdag na pagod na pwedeng makaapekto sa iyong daily routine. Kaya mahalagang pangalagaan ang nerve health sa pamamagitan ng pagsunod sa healthy lifestyle habits.
Paano Mababawasan ang Panganib ng Ngalay, Manhid, at Tusok-Tusok?
May kasabihan na “Prevention is better than cure,” at totoo ito pagdating sa ngalay, manhid, at tusok-tusok. Heto ang ilang tips para mapanatiling healthy ang nerves at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na karamdamang kasama nito:
1. Mag-ehersisyo kung kaya.
Ayon sa pag-aaral, ang pag-eehersisyo ay makakatulong sa pagbawas sa sakit na dulot ng neuropathy o nerve pain3 at pagpapabuti ng nerve function.4 Kapag hindi namamanhid, nangangalay, o sumasakit ang iyong nerves, tuloy-tuloy ang iyong galaw nang walang palya.
Pero kung ikaw ay may injuries o comorbidities, mabuting humingi muna ng payo mula sa doktor para malaman ang mga nararapat na workout para sa iyong kondisyon at para hindi na maulit ang pinsala sa katawan.
2. Magpahinga at matulog nang sapat.
Kapag may ngalay, manhid, o tusok-tusok na nararamdaman, ingatan at huwag puwersahin ang bahagi ng katawan na apektado dahil maaaring lumala ang iyong kondisyon.
Huwag ring kalimutan na matulog nang pito (7) hanggang siyam (9) na oras kada gabi.5 Ayon sa mga pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay maaaring magpalala ng neuropathic pain o pananakit na dulot ng nerve damage.6
Higit sa lahat, kumunsulta rin sa iyong doktor para malaman kung may gamot ka bang dapat inumin para maagapan ang ngalay, manhid, o tusok-tusok na nararamdaman para maiwasang maapektuhan nito ang iyong tulog.6
3. Bawasan o iwasan ang pag-inom ng alak.
Ang labis o matagal na pag-inom ng alak ay maaaring makapinsala sa nerves at magdulot ng ngalay, manhid, o tusok-tusok.7 Imbes na alak at iba pang alcoholic drinks, siguraduhin na nakakainom ka ng sapat na tubig araw-araw para laging well-hydrated ang katawan. Ang dami ng pang-araw-araw na water intake ay depende sa edad, sex, at activity level ng isang tao.8 Maaaring tantiyahin ang iyong fluid requirement gamit ang 30 hanggang 35 mL kada kilo ng body weight.9
4. Kumain ng masustansyang pagkain.
Ang kakulangan sa mga nutrients tulad ng vitamins B1, B6, at B12 ay pwedeng maging sanhi ng ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan.10 Pero saan nga ba makukuha ang mga vitamins na ito? Halimbawa ng mga pagkaing pwedeng idagdag sa daily diet para tumaas ang B vitamin levels at mabawasan ang risk ng ngalay, manhid, at tusok-tusok ay ang mga sumusunod:11,12
-
Gulay: Malunggay, kangkong, at pechay
-
Prutas: Saging, avocado
-
Whole grains: Brown rice
-
Legumes: Monggo
-
Animal-based protein: Itlog, isda (tulad ng galunggong or sardinas), manok, baboy, baka
Kung sumusunod ka sa vegetarian o vegan diet, mahalagang tiyaking sapat ang iyong vitamin B12 intake. Matatagpuan ito sa mga animal-based foods, fortified foods, at supplements na may vitamin B12.
Suportahan ang Nerve Health at Kalusugan sa Tulong ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex
Handa ka na bang labanan at iwasan ang ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan na konektado sa nerve issues? Mahalagang pangalagaan ang iyong nerve health sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo, sapat na pahinga, at pagkain ng masustansyang pagkain.
Pero kapag kailangan mo ng suporta, lalo na kung may mga araw na alam mong hindi mo nakukuha ang sapat na vitamins na tutulong na makaiwas sa ngalay, manhid, o tusok-tusok, tanungin ang iyong doktor tungkol sa Vitamin B1 + B6 + B12Pharex® B-Complex! Meron itong 100 mg ng vitamin B1, 5 mg ng vitamin B6, at 50 mcg ng vitamin B12 na tutulong sa mga benefits na ito:13
-
Pagprotekta ng nerves sa katawan
-
Maayos na pagpapadala ng signals sa nerve cells ng katawan
-
Pag-iwas at pag-agap sa mga sintomas ng deficiencies sa vitamins B1, B6, at B12
Ang suggested use ng Vitamin B1 + B6 + B12 (Pharex® B-Complex) ay isa (1) hanggang dalawang (2) tableta kada araw, kasabay ng proper diet at exercise o ayon sa rekomendasyon ng doktor.
Mabibili ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex sa leading drugstores nationwide, at online sa Shopee, TikTok Shop, o Lazada sa suggested retail price (SRP) na Php5.95 per tablet.
Kung hindi nawawala o lumalala ang ngalay, pamamanhid, o tusok-tusok, magpatingin sa doktor. Kung biglang makaramdam ng pamamanhid na may kasamang panghihina, pagtabingi ng mukha, o hirap sa pagsasalita, pumunta agad sa emergency room dahil posibleng senyales ito ng stroke.
If symptoms persist, consult your doctor.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Kailangan mo pa ba ng dagdag na impormasyon tungkol sa pag-iwas sa ngalay, manhid, at tusok-tusok na makaaapekto sa katawan? Basahin ang mga FAQs na ito!
Q: Ano ang sanhi ng ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan?A: Ang ngalay, manhid, at tusok-tusok ay maaaring magkaroon ng iba't ibang sanhi, kabilang ang nerve compression, neuropathy, at kakulangan sa ilang B vitamins.1 |
Q: Saan nararamdaman ang ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan?A: Maaaring maramdaman ang mga sintomas na ito sa likod, braso, daliri, at binti.2 |
Q: Makakatulong ba ang pag-ehersisyo sa pag-iwas sa ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan?A: Oo. Ilang pag-aaral ang nagpakita na makakatulong ang ehersisyo sa pagbawas ng sakit na dulot ng neuropathy at pagpapabuti ng nerve function.4 |
Q: May uri ng ehersisyo bang inirerekomenda para maiwasan ang ngalay, manhid, at tusok-tusok sa katawan?A: Ayon sa isang pag-aaral, makakatulong diumano ang aerobic exercise training, kombinasyon ng aerobic at resistance exercise training, o high-intensity interval training sa pag-agap ng discomfort na dulot ng neuropathy na maaaring lumitaw bilang tusok, manhid, o ngalay.3 Kumonsulta muna sa doktor para malaman kung anong ehersisyo ang angkop sa iyong kondisyon, lalo na kung may injury o iba pang karamdaman. |
Q: Mahalaga ba ang sapat na pagtulog sa pag-iwas ng ngalay, manhid, o tusok-tusok sa katawan?A: Oo. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring magpalala ng neuropathic pain o pananakit na dulot ng nerve damage.6 |
Q: Ilang oras dapat matulog ang isang adult kada gabi?A: Ayon sa mga eksperto, dapat sikapin ng mga adults na matulog nang pito hanggang siyam na oras kada gabi.6 |
Q: Bakit dapat iwasan ang pag-inom ng alak at alcoholic drinks?A: Ang labis o matagal na pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng problema sa mga nerve at maging sanhi ng ngalay, manhid, at tusok-tusok.7 |
Q: Gaano karaming tubig ang dapat inumin ng isang tao kada araw?A: Maaaring gamitin ang 30 hanggang 35 mL kada kilo ng body weight bilang gabay sa pang-araw-araw na fluid requirement. Maaari itong mag-iba depende sa edad, activity level, at kondisyon ng kalusugan.8 |
Q: Makukuha ba ang mga B vitamins sa pagkain?A: Oo. Halimbawa ng mga pagkain na may B vitamins ay gulay tulad ng malunggay, kangkong, at pechay; prutas tulad ng saging at avocado, whole grains tulad ng brown rice, legumes tulad ng monggo, at animal-based protein gaya ng itlog, isda tulad ng galunggong or sardinas, manok, baboy, o baka.11,12 |
Q: Makakatulong ba ang pag-inom ng supplement na may B vitamins sa pagpapababa ng risk para sa mga deficiency?A: Maaaring makatulong ang isang supplement tulad ng Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex). Mayroon itong 100 mg of vitamin B1 (thiamine), 5 mg of vitamin B6 (pyridoxine), at 50 mcg of vitamin B12 (cyanocobalamin) na makakatulong sa:13
|
Q: Ano ang suggested use ng Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex)?A: Ang suggested use ng Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) ay isa (1) hanggang dalawang (2) tablets kada araw, o ayon sa rekomendasyon ng doktor.13 |
Q: Pwede bang inumin ng mga bata ang Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex)?A: Hindi. Ang Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) ay para sa mga adults na 18 years old pataas lamang.13 |
Q: Pwede bang inumin ang Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) kasabay ng iba pang gamot o supplements?A: Kumonsulta muna sa iyong doktor kung nais mong inumin ito kasabay ng gamot o supplements. |
- Nerve pain and nerve damage. (2024, June 25). WebMD. Retrieved October 8, 2026, from https://www.webmd.com/brain/nerve-pain-and-nerve-damage-symptoms-and-causes
- Neuropathic pain. (2025, March 25). Cleveland Clinic. Retrieved October 8, 2026, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15833-neuropathic-pain
- Leitzelar, B. N., & Koltyn, K. F. (2021). Exercise and Neuropathic Pain: A General overview of preclinical and Clinical research. Sports Medicine - Open, 7(1), 21. https://doi.org/10.1186/s40798-021-00307-9
- Chiaramonte, R., Pavone, V., Testa, G., Pesce, I., Scaturro, D., et al. (2023). The role of physical exercise and rehabilitative implications in the process of nerve repair in peripheral neuropathies: a systematic review. Diagnostics, 13(3), 364. https://doi.org/10.3390/diagnostics13030364
- Watson, N. F., Badr, M. S., Belenky, G., Bliwise, D. L., Buxton, O. M., et al. (2015). Recommended amount of sleep for a healthy adult: A joint consensus statement of the American Academy of Sleep Medicine and Sleep Research Society. SLEEP, 38(6), 843–844. https://doi.org/10.5665/sleep.4716
- Ferini-Strambi, L. (2017). Neuropathic Pain and Sleep: a review. Pain and Therapy, 6(S1), 19–23. https://doi.org/10.1007/s40122-017-0089-y
- Burgess, L. (2024, May 28). What could cause tingling in the feet or hands? Retrieved October 8, 2026, from https://www.medicalnewstoday.com/articles/321423#possible-causes-of-tingling
- About water and healthier drinks. (2026, March 5). Centers for Disease Control and Prevention. Retrieved October 8, 2026, from https://www.cdc.gov/healthy-weight-growth/water-healthy-drinks/index.html
- National Institute for Health and Care Excellence. (2006, February 22). Nutrition support for adults: oral nutrition support, enteral tube feeding and parenteral nutrition. Retrieved October 21, 2026, from https://www.nice.org.uk/guidance/cg32/chapter/Recommendations
- Healthdirect Australia. (2026, February). Vitamin B deficiency. Healthdirect. Retrieved October 6, 2026, from https://www.healthdirect.gov.au/vitamin-b-deficiency
- WebMD Editorial Contributors. (2022, December 2). Foods high in B vitamins. WebMD. Retrieved September 29, 2026, from https://www.webmd.com/diet/foods-high-in-b-vitamins
- McCulloch, M., MS, RD. (2023, January 24). 15 Healthy foods high in B vitamins. Healthline. Retrieved September 15, 2026, from https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-b-foods
- Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) Product Information Leaflet. Date of Revision April 2023
Let your circle know about this article
In 1987, Pharex then shifted to marketing and distributing generic products, while appointing Metro Drug as its exclusive brand distributor. This move proved to be timely because of the passing of the Generics Act of 1988. Many successful years followed, and in 2016, Pharex was acquired by RiteMED Inc. Even after more than 35 years in the industry, Pharex remains committed to empowering Filipino families by providing them with top-notch healthcare solutions.
More on Pharex here27th Floor Greenfield Tower, Mayflower St. Corner Williams St., Highway Hills, Mandaluyong City
For other questions, please contact us at (02) 7971-3333 or at productsafetyph@pharexhealth.com