Todo Kayod? 5 Paraan Para Ingatan ang Iyong Nerves
Ang Pilipino ay talaga namang masisipag. Work from home (WFH) man o onsite, todo kayod ang mga breadwinners ng pamilya para mabayaran ang mga bills. Type dito, type doon. Lakad dito, lakad doon. Para bang ang bawat araw ay walang tigil na laban. Bukod sa traffic at deadlines, may mga gawaing bahay pa silang iniintindi.
Dahil nga sa dami ng ginagawa, madalas nakakalimutan ang isa sa pinakamahalagang puhunan: ang kalusugan ng katawan. At isa sa mga mahalagang bahagi nito na dapat bigyan ng pansin ay ang nerves.
Ang diskarte kailangan ding samahan ng alaga! Narito ang ilang paraan para ingatan ang mga nerves kahit sobrang busy.
What’s the Meaning of Being a Breadwinner?
Ano ang ibig sabihin ng pagiging breadwinner?1
Sa kulturang Pilipino, madalas ang breadwinner ay ang magulang, panganay, o sinumang miyembro ng pamilya na may kakayahang kumita para sa lahat.
5 Nerve Care Tips Para sa Filipino Breadwinners
Deserve at kailangan ng mga breadwinners na mapangalagaan ang nerves nila. Heto ang ilang tips na makakatulong:
-
Sapat na Pahinga
Subukang matulog at gumising halos sa parehong oras araw-araw.2 Nakakatulong ito para masanay ang katawan sa consistent na schedule at mas madali kang makatulog gabi-gabi.
Pwede ka ring gumawa ng maliit na routine bago matulog, tulad ng pagbabasa ng libro o pagligo ng maligamgam na tubig para marelax ang muscles at nerves mo.2
Iwasan din ang kape o anumang caffeinated drinks apat hanggang anim na oras bago matulog, at limitahan ang caffeine araw-araw para hindi ma-overstimulate ang nerves.2
At syempre, patayin muna ang mga gadgets tulad ng smartphone o TV isang oras bago matulog para makapaghanda ang utak mo sa pahinga.2
-
Maglaan ng Oras sa Exercise
Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong sa regeneration ng nerves. Dahil dito naaayos ang mga nerve fibers (na tinatawag na axons).3 Tumutulong din ito sa axon regeneration. Dagdag pa, pinapataas din ng ehersisyo ang produksyon ng mga “neurotrophic factors,” mga sangkap na tumutulong sa nerve development and repair.3
Mayroon ding mga pag-aaral sa tao na nagpapakita ng magagandang resulta. Ang physical therapy at mga gabay na exercise program ay napatunayang nakatutulong sa mga may nerve damage sa labas ng utak at spinal cord. Ang mga pasyenteng sumasailalim sa rehabilitation exercises ay kadalasang nakararanas ng mas maayos na range of motion (kung gaano kalawak ang galaw ng kasukasuan), mas malalakas na kalamnan, at mas kaunting pananakit.3
Kung WFH ka, tumayo at mag-stretch bawat oras. Kung onsite naman, samantalahin ang break para maglakad-lakad. Hindi kailangang magbuhos ng matinding effort—ang consistency ang mahalaga.
-
I-manage ang Stress
Kasama na talaga sa pagiging breadwinner ang pressure. Ngunit kapag hindi na-manage ang stress, maaaring ma-overload ang nerves.
Ang sobrang stress ay direktang nakakaapekto sa nervous system ng isang tao.4 Kapag na-trigger ang “fight or flight” response, naglalabas ang katawan ng hormones tulad ng adrenaline at cortisol.4 Bagama’t nakakatulong ito pansamantala para maging alerto at handa, ang palagiang stress ay puwedeng makaapekto sa nervous system. Maaari rin itong magdulot ng problema sa memorya, tulog, mood, at immune system.4
Para maibsan ang epekto ng stress, makakatulong ang mga sumusunod:4
- Maglaan ng oras sa mindfulness o meditation upang ma-relax ang utak at katawan.
- Gaya ng unang nabanggit, siguraduhing may maayos na tulog gabi-gabi.
- Kumonsulta sa therapist o mental health professional kung madalas makaranas ng anxiety o depression.
Sa tamang stress management, mas napoprotektahan ang utak at buong katawan.
-
Kumain ng Masustansya
Malaking tulong ang pagkain ng masustansya at low-inflammatory na pagkain para sa nerves.
Kaya naman, mas maganda pa rin na maghanda ng pagkain sa bahay. Dahil dito, kontrolado mo ang mga sangkap.
Narito ang ilang pagkain na sagana sa nutrients panlaban sa pananakit ng nerves:5
-
Green at leafy vegetables: Subukan ang broccoli, spinach, asparagus. May Vitamin B at alpha-lipoic acid ang mga ito para sa nerve function at regeneration.
-
Fruits: Ang berries, peaches, cherries, red grapes, oranges, watermelon ay puno ng antioxidants at resveratrol na nakakatulong bawasan ang inflammation at nerve damage.
-
Zucchini: May antioxidants at potassium ito para sa nerve transmission. May sangkap din ito na magnesium para ikalma ang nerves.
-
Sweet potato: May vitamins A at C, anti-inflammatory compounds, at fiber na hindi nagdudulot ng blood sugar spike.
-
Quinoa: May potassium, magnesium, phosphorus, manganese, folate, fiber, at protein para sa nerve health.
-
Avocado: May healthy fats at potassium; tumutulong din sa absorption ng antioxidants.
-
-
Why Vitamin B Complex is Important
Dahil sa hectic na schedule, may mga taong hindi na nakakakain ng sapat na masustansyang pagkain kaya maaaring nagkukulang sa vitamins and minerals. Dito maaaring makatulong ang pag-inom ng tamang supplements, lalo na ng Vitamin B complex na kilala sa pagsuporta sa nerve health at energy production.
Ang nerves ang silent partner sa productivity mo. Kung pababayaan mo sila, maapektuhan ang trabaho at energy.
Vitamins for working adults? Para sa dagdag na suporta sa iyong nerves at overall energy, puwede mong subukan ang Pharex® B-Complex!
Ang Pharex® B-Complex ay isang supplement na naglalaman ng tamang dami ng B vitamins B1 (100mg), B6 (5mg), at B12 (50mcg).6 Ang mga ito ay importanteng bitamina na tumutulong maiwasan ang mga sintomas ng neuropathy tulad ng pangangalay, pamamanhid, at tusok-tusok.6
Bukod sa pagsuporta sa kalusugan ng nerves, nakakatulong din ang Pharex® B-Complex na bigyan ang katawan at utak ng karagdagang enerhiya para sa pang-araw-araw na gawain. Sa tulong nito, pwede kang manatiling aktibo, malusog, at “Pharexcited” araw-araw (with proper diet and regular exercise)!6
Mabibili ang Pharex® B-Complex sa mga pangunahing drugstore at online sa Lazada, Shopee, at TikTok Shop.
Paalaala: Ang mga Vitamin B supplements ay karaniwang ligtas kung susundin ang tamang doses. Mahalaga ring isaalang-alang ang posibleng interaksyon sa ibang gamot, personal na tolerance, at ang pangangailangan ng gabay mula sa doktor base sa sariling kondisyon ng kalusugan.
Always consult your doctor before taking any medicines.
If symptoms persist, consult your doctor.
- Kahulugan at ibig sabihin ng “Breadwinner” sa English | Larawan ng Diksyunaryo. (n.d.). LanGeek. https://dictionary.langeek.co/en-FIL/word/23088?entry=breadwinner
- How to stop the cycle of nerve pain and sleeplessness. (2019, February 25). Loma Linda University Health. https://lluh.org/services/neuropathic-therapy-center/blog/how-stop-cycle-nerve-pain-and-sleeplessness#
- Maugeri, G., D'Agata, V., Trovato, B., Roggio, F., Castorina, A., Vecchio, M., Di Rosa, M., & Musumeci, G. (2021). The role of exercise on peripheral nerve regeneration: from animal model to clinical application. Heliyon, 7(11), e08281. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34765794/
- Ansari, R. (2024, July 8). The Silent Threat: How stress affects the nervous system. Lone Star Neurology. https://lonestarneurology.net/others/how-stress-affects-your-nervous-system/
- Six Great Plant-Based Foods to Fight Nerve Pain - Neuropathic Therapy Center | Loma Linda University Health. (2022, July 6). https://lluh.org/services/neuropathic-therapy-center/blog/six-great-plant-based-foods-fight-nerve-pain
- Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) Product Information Leaflet. Date of Revision April 2023.
Let your circle know about this article
In 1987, Pharex then shifted to marketing and distributing generic products, while appointing Metro Drug as its exclusive brand distributor. This move proved to be timely because of the passing of the Generics Act of 1988. Many successful years followed, and in 2016, Pharex was acquired by RiteMED Inc. Even after more than 35 years in the industry, Pharex remains committed to empowering Filipino families by providing them with top-notch healthcare solutions.
More on Pharex here27th Floor Greenfield Tower, Mayflower St. Corner Williams St., Highway Hills, Mandaluyong City
For other questions, please contact us at (02) 7971-3333 or at productsafetyph@pharexhealth.com