Pumasok sa trabaho, mag-work out sa gym, makipagkita sa mga kaibigan, at maglakbay sa iba’t ibang lugar — ito ang kadalasang nasa agenda ng maraming young adults. Dahil bata-bata pa sila, hindi ganoon kalaki ang kanilang risk o peligro para sa mga nutrient deficiency, hindi ba?
Nakakalungkot aminin, pero kailangang maintindihan na ang mga young adults ay pwede ring maapektuhan ng vitamin B deficiency. Ang B vitamins ay isang grupo ng mga nutrients na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan. Ang mga vitamins na ito ay tagapagpanatili ng cell health at nagpapataas ng energy levels.1 Sa tulong ng mga B vitamins, mas maayos na nagagampanan ng mga tao ang kanilang mga gawain nang walang palya.
Kaya bago pa man maapektuhan ng deficiency, siguraduhin na mayroong sapat na B vitamins sa katawan. Narito ang ilang mga tips na maaaring makatulong sa pagpapanatili ng ideal levels ng mga B vitamins sa katawan.
Ang mga sintomas na kadalasang nararamdaman o napapansin kaagad ng mga tao ay ang tusok (tingling sensation sa kamay o paa), manhid (numbness), at ngalay (fatigue).2
Pero ayon sa mga eksperto, may mga iba pang senyales ng vitamin B deficiency batay sa klase ng B vitamin na kulang sa katawan. Kaya bukod sa tusok, manhid, at ngalay, maging alerto sa mga senyales na ito:3
Maliban sa vitamin B12 deficiency na isa sa mga pangkaraniwang vitamin B deficiency, ang deficiency sa ibang mga B vitamins ay bihirang mangyari. Pero hindi ibig sabihin nito na dapat balewalain ang iba’t ibang B vitamins. Mas mainam na laging handa upang labanan ang mga sakit at sintomas ng deficiency.
Para maiwasan ang vitamin B deficiency na maaaring makaapekto sa kalusugan at pang-araw-araw na gawain, pagtuunan ng pansin ang diet. Mahahanap ang iba’t ibang B vitamins sa mga pagkain tulad ng salmon, gulay tulad ng spinach at letsugas, liver at iba pang organ meat, itlog, baka, manok, talaba (oyster), tahong (mussels), clam, gatas, at yogurt.8
Bukod dito, magtanong rin sa doktor tungkol sa supplements tulad ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex! Ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex ay may 100 mg ng vitamin B1, 5 mg ng vitamin B6, at 50 mcg ng vitamin B12. Maaari itong makatulong sa pagpapanatili ng ideal na antas ng B vitamins sa katawan.
Uminom ng isa (1) hanggang dalawang (2) tablet ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex kada araw, o as prescribed ng physician. Ugaliing itago ang gamot at mga bitamina sa tuyo at malamig na lugar na hindi bababa sa 30 degrees Celsius.
Ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex ay mabibili sa leading drugstores nationwide, at online sa Lazada at Shopee.
If symptoms persist, consult your doctor.
References