Mga Dahilan at Gamot sa Tusok-tusok sa Kamay

Ang sarap magkikilos sa bahay kapag may free time. Umaaliwalas ang paligid kapag nakakapaglinis. Dagdag pa nakakagaan sa pakiramdam kapag madaming nagagawa tulad ng pagluluto, gardening, paglalaba, o kahit simpleng pag-aayos lang ng kuwarto. Iba ang sigla kapag produktibo. Kaya lang minsan, naiistorbo ang mga gawain. Bigla na lang namamanhid na para bang tinutusok-tusok ng mga maliliit na karayom.

Kalma lang! Hindi yan kuryente. Yan ang tinatawag na pins and needles o mas kilala sa Tagalog na tusok-tusok.

Sa article na ‘to, alamin kung ano ba talaga ang tusok-tusok o paano ito nakukuha. May mga tips din na pwedeng sundin! Basahin ito para madagdagan ang kaalaman mo tungkol sa pamamanhid.

Ano ang Tusok-Tusok?

Iba’t ibang pakiramdam ang dala ng tusok-tusok sa katawan. Minsan parang kinikiliti, minsan parang tinutusok, at minsan parang wala talagang maramdaman sa isang bahagi ng katawan.1 Madalas itong maranasan sa mga kamay, paa, o binti.1

Ang medikal term para sa tusok-tusok ay paresthesia.2 Hindi ito isang sakit kundi isang sensation na dulot ng hindi normal na function ng nerves o ugat sa katawan.

Isipin mo na lang, ang katawan ay parang may sariling internet. Ang mga nerves ang nagsisilbing cable o wifi na nagdadala ng mensahe mula sa utak papunta sa iba't ibang parte ng katawan.3 Kapag naputol o naistorbo ang koneksyon, nagkakagulo ang sistema. Ang resulta, pamamanhid.3

Bakit Ito Nangyayari?

Ang pinakakaraniwang dahilan ng tusok-tusok ay ang pagkaipit ng ugat o ang hindi maayos na daloy ng dugo.1 Ilang mga halimbawa ng pagkakaroon nito ay ang mga sumusunod:1,2

  • Kapag matagal na nakaupo, nakahiga, o nakasandal sa isang posisyon.1,2 Halimbawa, nakatulog ang isang tao habang nakapatong ang ulo sa braso.1,2
  • Pagkatayo nang matagal na walang galaw.2
  • Matagal na pagpatong ng isang hita o binti sa kabilang bahagi ng katawan.1,2

Kapag naiipit ang ugat, hindi makakapagpadala ng signal ang nerves. ‘Pag nawala ang pressure o na-stretch mo ang parteng iyon, bumabalik ang daloy ng dugo at napapalitan naman ng tusok-tusok na feeling.2

Normal Ba Ito?

Normal lang ang pamamanhid kapag saglit lang ito (mga ilang segundo o minuto lang), o may malinaw na dahilan gaya ng hindi agad na pagkilos.2 Walang dapat ikabahala sa mga ito. Ang mga ito ay senyales lang ng katawan na kailangan ng gumalaw.

Kailan Dapat Mag-alala?

Habang karamihan ng pamamanhid ay harmless, may mga pagkakataong dapat maging alerto. Kung ang pamamanhid ay madalas mangyari kahit walang dahilan, tumagal ng ilang oras o araw, hindi na ito normal.4

Dagdag pa, kapag may kasamang panghihina ng kalamnan o muscles, may kasamang sakit ng leeg, likod, o ulo, o hirap sa pagsasalita, maaaring may mas malalim na sanhi.4 Ilan sa mga posibleng dahilan ay ang diabetes, carpal tunnel syndrome, nerve damage o neuropathy, stroke, multiple sclerosis, o iba pang neurological disorder.1

Paano Chinecheck ang Pins and Needles?

Narito ang ilan sa mga karaniwang paraan para tingnan kung maayos pa ang pakiramdam ng mga ugat, lalo na sa paa.5

  1. Pagsusuri gamit ang tuning fork

    Para makita kung nakakaramdam pa ng vibration o panginginig ang mga paa, gumagamit ang mga doktor ng isang maliit na instrumentong metal na tinatawag na tuning fork.5 Pinapatunog nila ito at inilalagay sa hinlalaki ng paa. Kung hindi ito maramdaman, posibleng may nerve damage ang pasyente.

  2. Monofilament test

    Ito ang pinakasimple at madalas gawin lalo na sa mga may diabetes. Gumagamit ng manipis na nylon strand na parang sinulid ang doktor at idinadampi sa talampakan at mga daliri ng paa.5 Ginagawa ito para makita kung gaano pa kasensitibo sa banayad na haplos o pressure ang mga daliri.

  3. Pagsusuri sa paglalakad o gait analysis

    Pinagmamasdan ng doktor kung paano maglakad ang isang pasyente. Tinitignan dito kung pantay ang hakbang, kung may pilay, o kung may hindi normal sa galaw ng mga paa o binti.5 Ginagawa ang test na ito para makita kung may kahinaan o walang kontrol sa galaw ang mga paa.

  4. Balance test

    Pinatatayo ang pasyente sa isang paa, o pinapapikit habang nakatayo para makita kung stable pa rin o madaling mawalan ng balanse.5 Ito ay ginagawa para malaman kung maayos pa ang koordinasyon ng katawan, lalo na kung naapektuhan na ng pamamanhid ang nerves.

  5. Pagsusuri gamit ang matulis at malambot na bagay

    Para malaman kung pare-pareho pa ang pakiramdam sa magkabilang bahagi ng katawan, gumagamit ang doktor ng matulis (pero ligtas) na bagay at bulak para tingnan kung kaya mong matukoy ang kaibahan ng tusok sa haplos.5

  6. Reflex test

    Para malaman kung gumagana pa ang reflexes o automatic na tugon ng muscles sa stimulus, gagamit ang iyong doctor ng maliit na martilyo para i-tap ang ilang bahagi ng iyong tuhod.5

Paano Maiiwasan ang Pamamanhid?

Maswerte ang mga tao kung wala sila ng mga naunang kondisyon na nabanggit. Hindi nila kailangan ng mamahaling therapy para maiwasan ang pamamanhid. Kadalasan, simpleng lifestyle changes lang ang kailangan.

Para maiwasan ang tusok-tusok, pwede silang mag-stretch kada ilang oras lalo na kung laging nakaupo.6 Kailangan din nilang iwasan manatili sa parehong posisyon ng matagal. Syempre dapat gumalaw-galaw din sila, lalo na kung mahilig silang mag-scroll ng reels o mag-chat buong gabi.

Maaari ring gumamit ng ergonomic na upuan o mesa at iwasan ang masisikip na damit o accessories.8,9 Kumain ng pagkaing mayaman sa Vitamin B tulad ng peas, liver, itlog, at whole grains.10 Ang B vitamins ay nakakatulong sa healthy nerve function at sa repair ng mga damaged nerves.

Kapag panay ang tusok-tusok, baka hindi na kayanin ng lifestyle checks! Kumonsulta na sa doktor! Siya ang pwedeng magreseta ng supplements para sa nerves.

Maaaring makatulong ang Pharex® Vitamin B1+B6+B12 B-Complex bilang suporta sa kalusugan ng ugat. Ito ay may 100 mg ng vitamin B1 (thiamine), 5 mg ng vitamin B6 (pyridoxine), at 50 mcg ng vitamin B12 (cyanocobalamin).11

Sama-sama silang tumutulong para:11

  • Protektahan ang mga ugat
  • Masiguro na maayos ang pagpapadala ng signal sa pagitan ng mga nerve cells
  • Mabawasan ang pananakit ng nerves at kakulangan sa Vitamin B

Para Pharexcited ang katawan at isip, piliin ang Pharex® Vitamin B1+B6+B12!

Ang inirerekomendang paggamit ng Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) ay isa (1) hanggang dalawang (2) tableta kada araw, o ayon sa payo ng doktor.11

Mabibili ang Vitamin B1+B6+B12 (Pharex® B-Complex) sa mga kilalang botika sa buong bansa at online sa Lazada at Shopee sa inirerekomendang presyo (SRP) na Php5.50 kada tableta.

If symptoms persist, consult a doctor.

Reference
  1. NHS. (2025, April 16). Pins and needles. https://www.nhs.uk/symptoms/pins-and-needles/
  2. Cleveland Clinic Medical Professional. (2025, May 15). Paresthesia. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/24932-paresthesia
  3. University of Rochester Medical Center. (n.d.). Health Encyclopedia. https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content?ContentTypeID=1&ContentID=58
  4. Cleveland Clinic. (2025, September 11). Peripheral neuropathy. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14737-peripheral-neuropathy
  5. National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2025, August 12). Peripheral neuropathy. https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/nerve-damage-diabetic-neuropathies/peripheral-neuropathy
  6. Loma Linda University Health – Neuropathic Therapy Center. (2025, March 5). 4 exercises to reduce chronic nerve pain. https://lluh.org/services/neuropathic-therapy-center/blog/4-exercises-reduce-chronic-nerve-pain
  7. van Niekerk, S. M., Louw, Q. A., & Hillier, S. (2012). The effectiveness of a chair intervention in the workplace to reduce musculoskeletal symptoms: A systematic review. BMC Musculoskeletal Disorders, 13, 145. https://doi.org/10.1186/1471-2474-13-145
  8. Bai, Y., Kamarudin, K. M., & Alli, H. (2024). A systematic review of research on sitting and working furniture ergonomics from 2012 to 2022: Analysis of assessment approaches. Heliyon, 10(7), e28384. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC10988004/
  9. Liu, Y., & Wang, Y. (2019). Clothing pressure alters brain wave activity in the occipital and parietal lobes. Translational Neuroscience, 10, 76–80. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC6487781/
  10. NHS. (2025, August 6). B vitamins and folic acid. https://www.nhs.uk/conditions/vitamins-and-minerals/vitamin-b/
  11. Vitamin B1 + B6 + B12 (Pharex® B-Complex) Product Information Leaflet. Date of revision April 2023.
Share

Let your circle know about this article

Couple Image
Better health is on the way.

In 1987, Pharex then shifted to marketing and distributing generic products, while appointing Metro Drug as its exclusive brand distributor. This move proved to be timely because of the passing of the Generics Act of 1988. Many successful years followed, and in 2016, Pharex was acquired by RiteMED Inc. Even after more than 35 years in the industry, Pharex remains committed to empowering Filipino families by providing them with top-notch healthcare solutions.

More on Pharex here arrow right icon
CONNECT WITH US
PHAREX Health Corporation
Home Icon

27th Floor Greenfield Tower, Mayflower St. Corner Williams St., Highway Hills, Mandaluyong City

Home Icon

For other questions, please contact us at (02) 7971-3333 or at productsafetyph@pharexhealth.com